I ♥ MYSELF
Yung mga taong labis ang pagmamahal sa kanilang pagmumukha. Mauumay ka sa wall feed mo dahil kada limang minuto eh makikita mo ang muka nila – regardless sa itsura – sa iba’t ibang anggulo. Sila yung mga tipong nag CR lang eh may 20 photos uploaded agad ng mukha nila habang nakaharap sa salamin at hawak ang cp nila. Mahilig din sila i-edit at lagyan ng iba’t ibang effects ang mukha nila.
SELFISH
Yung mga nagla-like ng sarili nilang post. Tipong pinost mo na nga ila-like mo pa? Bakit di pa nila i-share ulit, magcomment sa sarili nilang post at i-like ulit ang sarili nilang comment tapos i-tag pa nila sarili nila? Hindi ko maintindihan bakit kelangan mo pa i-like ang sarili mong post. Hindi mo naman ipopost ang bagay na ayaw mo di ba? Para mo na ring pinuri ang sarili mo.
NON LIVING THINGS
Sila yung parang walang sariling buhay. Too much information attack. Yung kada kilos at konting kibot nila eh pinopost nila. Parang wala na silang ibang ginagawa sa buhay kundi mag post. Nautot lang, magpopost na. Tipong “just woke up” , “sakit ng ulo ko”, “ang lamig sa labas” ang mga post. As if interesado ang mundo kung gising na sila o hindi. Masarap silang sagutin ng “eh ano ngayon? Wala kame pakialam!”
KULANG SA EPAL
Sila yung mga kulang sa pansin na mga papansin. Yung mga magpopost ng bitin, parinig, paduda o emote pero hindi sasabihin kung bakit. Magpopost sila ng “ I hate this day…” tapos pag tinanong mo kung bakit eh hindi sasagutin o ‘basta’ ang sagot. Anu yun? Anu nasa isip nila? “Magpopost ako sa fb na alam kong makikita ng lahat pero hindi ko sasagutin pag may nagtanong sakin kung anu yun!” ganun? Kung wala ka balak talaga i-share yan wag mo na ipost.
JOHN MICHAEL
Isa sa mga pinaka nakaka asar. John Michael means angJOHN lang pag MICHAELangan. Yung hindi mo naman talaga ka-close pero biglang mag memessage o mag cha-chat sayo, kunwari mangangamusta muna tas biglang may kelangan lang pala. Yung biglang sapilitan na magpapa-like sa mga bagay o pictures na wala ka namang pakialam. Biglang may ibebenta pala sayu o mangungutang. Anak sila ng tokwa’t baboy.
TOM JONES
Yung mga parang ngayun lang nakakain ng spaghetti o nakainom ng starbucks. Mahilig sila mag post ng mga pagkain – either kakainin palang nila o pangarap lang nila – yung tipong pipicturan muna ang pagkain imbis na magdasal muna. Parang sinasabi nila “Hello world, kakain ako ng pasta!!!” Masarap sila sagutin ng “first time mo?”
ARTISTA
Sila yung parang mga celebrity. Hindi ginagamit ang mga sariling pangalan. Hindi ko alam kung napapangitan sila sa pangalan nila o kung ano. Nag social media account ka pa kung ibang pangalan o alyas lang ang gagamitin mo? May tinanong ako bakit iba pangalan nya sa FB ang sabi nya para hindi daw sya mahanap sa internet. Sarap sagutin ng “ kung ayaw mo mahanap ka sa internet wag kang mag FB at maglaro ka na lang ng solitaire”
EX-SENATOR (EKSENADOR)
Yung mahilig gumawa o umagaw ng eksena sa FB. Yung mag LQ lang sila ng jowa eh sa mga status nagsasagutan, gusto nila may audience yung mga away nila. Sila din yung mga in a relationship tas biglang went to being single agad dahil sa konting tampuhan lang. Ako hindi ako nag popost ng ‘ULILA’ kapag may pagtatalo kame ng magulang ko.
ENDANGERED SPECIES
Kame yung mga nagpopost ng mga inspirational, intelligent, witty at mga makabuluhang posts. Pag nagpost kame ng joke, patok. Pag nag upload ng picture, may sense at kabuluhan. Informative at mga helpful ang mga posts or comments. Hindi nakikipag talo sa internet at hindi pumapatol sa haters. Kame yung iilan na may tamang asal at delikadesa pagdating sa online manners. Naks! Talagang ‘kame’ ang term ko.
Ikaw saan ka nabibilang?